Isang school vice-principal ang sinibak sa pwesto matapos mang-molestiya.

Arestado isang Vice principal ng isang high school at natanggal sa trabaho dahil sa pang momolestiya sa isang babae.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Minoru Okuzawa

Ina-nunsiyo ng Tokyo Metropolitan Board of Education nuong nakaraang linggo ang dismissal ng isang vice-principal sa isang highschool sa Arakawa Ward, matapos na maakusahan ito ng sexual assault  isang babae, mula sa ulat ng TV Asahi.

Nuong madaling araw ng ika-12 ng Mayo, sinakay ni Minoru Okuzawa ang isang lasing na ginang na nag-eedad na 40 anyos na nakita niya sa isang kalsada sa lungsod. Si Okuzawa ay nuo’y vice-principal  ng Arakawa Technical Highschool. Ipinasok umano ng suspek ang ginang sa loob ng isang hotel.

Ginawan umano ng suspek ang ginang ng mga malalaswang bagay, habang ito ay nawalan ng malay dahil sa kalasingan.

Maka-lipas ang ilang araw, hiniling umano ng suspek na muli silang mag-kita ng biktima, at kung hindi ito papayag ipapakalat umano nito sa ibang tao ang mga video na kinuha nuong gabi sa loob ng hotel.

Nuong buwan ng Agosto, inakusahan rin ng mga pulis si Okuzawa dahil sa Quasi-Indecent Assault. “Hindi ko na minsan mapigil ang aking mga sekwal na pantsiya.” ani nito sa mga pulis habang siya ay inaaresto. “Wala akong self-control.” Nuong ika-30 ng Nobyembre, siya ay tinanggal na ng Lupon sa kanyang pwesto. At nuong Abril nang nakaraang taon, siya ay muling itinalaga sa pwesto.

Ina-nunsiyo rin ng Lupon ang dismissal ng 2 pang staff members dahil sa parehong kaso. Nuong Hunyo, minolestiya umano ni Tetsuya Iwasaki, isang clerk sa Shinjuku Highschool ang isang babae nang ito ay biglang pumasok sa apartment ng biktima sa Machida City. Samantalang sa ikalawang kaso, isang 55 anyos na high school teacher ay inakusahan na hinawakan umano ang maselang bahagi ng isang lalaking mag-aaral.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund