Ang mga opisyal sa Japan ay sumusulong sa pagsisikap upang matiyak na ang mga dayuhan ay ligtas kapag may mangyaring sunog. Ang mga development na ito ay ginawa sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga bisita mula sa ibang bansa.
Ang fire department sa Osaka city sa kanluran ng Japan kamakailan ang nag-inspeksyon sa pangunahing outlet ng Hanshin Department Store sa distrito ng Umeda.
Ang tindahan ay may mga anunsyo at flag sa wikang Ingles na handa para sa paggabay sa mga dayuhang customer sa kaligtasan.
Ang mga kagawaran ng sunog sa buong bansang Hapon ay bumibisita sa mga shopping center tuwing Disyembre upang magsagawa ng mga check sa kaligtasan kapag may magaganap na sunog at lalo na tuwing taglamig na lalong dumadami ang bilang ng insidente ng sunog dahil sa paggamit ng mga heaters.
Source: NHK World
Join the Conversation