F40 Ferrari, sumiklab sa Lungsod ng Odawara

Ang mga existing F40 na mga sasakyan ay ibini-benta ng second hand sa halagang umaabot ng 100 milyong yen.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspF40 Ferrari, sumiklab sa Lungsod ng Odawara

KANAGAWA (TR) – isang Ferrari Sports Car ay sumiklab sa lungsod ng Odawara nitong weekend, pahayag ng mga pulis, mula sa ulat ng TV Asahi (May 8).

Bandang alas-8:00 ng umaga nuong Sabado, ang 62 anyos na driver ng Ferrari F40 ay inalerto ang emergency services ng Hakone Turnpike. “Ang Ferrari na aking minamaheho ay biglang sumilab at nag-apoy” ani ng driver.

Ang fire crew na dumating sa lugar ay pinatay ang apoy sa loob ng 90 minutos. Ayon sa mga pulis, wala namang na-pinsala sa nasabing insidente.

Base sa isang footage na inilathala sa social media, makikita na nilamon ng apoy ang Ferrari na siyang nag-sanhi ng isang makapal na usok sa malapit na guardrail sa mountain road.

Bago naganap ang insidente, ang lalaki ay bumabyahe kasama ang kanyang asawa. Ilang sandali ang naka-lipas, napansin niya ang usok na nag-mumula sa sasakyan, kung-kaya’t siya ay napilitang huminto. Matapos ang ilang sandali, ito ay bigla na lamang umapoy, ani ng mga pulis.

Hindi na gumagawa ng F40 na model ang Italian carmaker. Ang mga existing F40 na mga sasakyan ay ibini-benta ng second hand sa halagang umaabot ng 100 milyong yen.

Source: Tokyo Reporter

Image: ANN News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund