100 years old na babae sa West Japan, nagka-covid at nanganib ang buhay ngunit ngayon ay fully recovered na

Ang 100-taong-gulang na babae na naospital noong Enero dahil sa COVID-19 at naka-recover matapos ang halos isang buwan ay humarap sa isang press conference noong May 10 kasama ang isa sa kanyang mga doktor upang ilarawan ang kanyang karanasan noong siya ay nagkasakit, naghingalo at himalang naka-recover sa covid.   #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp100 years old na babae sa West Japan, nagka-covid at nanganib ang buhay ngunit ngayon ay fully recovered na &nbsp100 years old na babae sa West Japan, nagka-covid at nanganib ang buhay ngunit ngayon ay fully recovered na

OTSU – Ang 100-taong-gulang na babae na naospital noong Enero dahil sa COVID-19 at naka-recover matapos ang halos isang buwan ay humarap sa isang press conference noong May 10 kasama ang isa sa kanyang mga doktor upang ilarawan ang kanyang karanasan noong siya ay nagkasakit, naghingalo at himalang naka-recover sa covid.

Si Ayako Ito, isang residente ng lungsod ng Otsu, Shiga Prefecture, ay himalang naka recover mula sa isang seryosong laban ng COVID-19 na sa sobrang lala ng kanyang sintomas ay kinailangang siyang bigyan ng oxygen. Ngumiti siya at sinabi, “Ang pagtitiwala sa mga doktor ay pinakamahalaga sa paggamot, at ang pag-dasal at pag tiwala sa aking sarili ay mahalaga din.”

Si Ito ay ipinanganak noong 1920 at lumaki sa Otsu. Noong Enero 10, 2021, may edad na 100, kumpirmadong nahawahan siya sa coronavirus. Inihanda ang isang kama sa ospital, at pinasok siya kinabukasan sa Omihachiman Community Medical Center sa prefectural city ng Omihachiman.

Bagaman lumubha ang kanyang kalagayan hanggang sa puntong kailangan siyang bigyan ng oxygen, gumaling siya matapos makatanggap ng gamot at iba pang treatment. Matapos ang rehabilitasyon, siya ay pinalabas noong Pebrero 5. Nakatira siya kasama ang kanyang anak na babae, at nakabawi ngayon sa punto na maaari siyang mamuhay ulit ng normal.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund