Kamatayan sanhi ng COVID-19 dumarami, ayon sa awtopsiya ng Osaka medical examiner

"Sa ilang mga kaso, ang mga nasawi o ang kanilang pamilya ay namatay nang hindi man lamang napag-desisyonan kung sila ay magpapa-gamot o pupunta sa isang medical facility," pahayag ni medical examiner Kenichi Yoshida. "Kaya dapat ang lahat ay mag-ingat."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKamatayan sanhi ng COVID-19 dumarami, ayon sa awtopsiya ng Osaka medical examiner

OSAKA (TR) – ang resulta ng mga isina-gawang awtopsiya sa prepektura ng Osaka sa mga taong namatay sa kanilang tahanan ay nagpapa-kita ng mataas na sanhi dahil sa COVID-19, ayon sa report ng NHK (May 10).

Ayon sa Osaka Prefectural Medical Examiner, mayroong 20 kaso nuong buwan ng Abril nang mga namatay sanhi ng COVID-19. Sa loob ng isang taon hanggang Marso, ang bilang ng mga namatay ay 14 katao lamang.

Ang 20 katao ay namatay sa kani-kanilang mga tahanan sa Osaka City at sa iba pang mga lungsod ng prepektura. Sa mga kasong ito, ang sanhi ng kamatayan ay wala pang inisyal na pakaka-kilanlan ngunit ito ay hindi sanhi ng foul play.

Ang karamihan sa nasawi ay mga taong nasa kanilang mga 60’s. Apat sa mga ito ay nasa kanilang 50’s. Isa sa kanila ay nasa 40’s. Halos lahat ng mga nabanggit na kaso, ang mga nasawi ay dumaranas ng sakit tulad ng high blood pressure.

Ang novel coronavirus ang nag-sasanhi sa sakit na COVID-19. Ang mga kamatayan ay naganap sa loob ng anim na araw matapos ang mga tao ay nakaranas ng sintomas ng sakit, pahayag ng examiner.

“Sa ilang mga kaso, ang mga nasawi o ang kanilang pamilya ay namatay nang hindi man lamang napag-desisyonan kung sila ay magpapa-gamot o pupunta sa isang medical facility,” pahayag ni medical examiner Kenichi Yoshida. “Kaya dapat ang lahat ay mag-ingat.”

Kakulangan sa mga kama sa ospital

Ang kakulangan sa mga higaan sa ospital ay pumu-pwersa sa mga pasyente sa prepektura ng Osaka na mga nag-possitive sa pag-susuri ng coronavirus ay kina-kailangang magpa-galing sa kanilang mga tahanan. Nag-bigay ng datos ang health ministry na nagpapa-kita na nag-tala ng 13,423 pasyente na nagpapa-galing sa kani-kanilang tahanan nuong May 5.

Ayon sa ministro, ang pigura ay tumaas ng 500 porsyento sa loob ng apat na linggo kumpara nuong nakaraan.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund