Isang Japanese na bumbero ang pinarushan ng pay cut o pagbawas ng sweldo dahil sa paglabag sa batas na nagsasaad na bawal magkaron ng iba pang source of income ang mga public government employee. Siya ay nabuking na malaki ang kinuta sa kanyang youtube chanel.
Nalaman ito nang may nag iwan ng tip sa government office na may isang firefighter na nagsa-sideline bilang isang youtuber.
Matapos ang tip off, ang lungsod ng Wakayama sa kanlurang Japan ay naglunsad ng pagsisiyasat sa channel ng 33 taong gulang, na mayroong humigit-kumulang 15,000 subscriber.
Ngunit dahil ang bumbero ay hindi lumilitaw ang mukha sa screen kundi ang boses lamang, nag imbestiga pa ng mabuti upang makilala kung kaninong boses ang mga nasa video at doon nila nakumpirma ang bombero.
Inamin naman ng bumbero na kanya nga ang YouTube channel na sa loob ng 10 buwang yugto, nag-upload siya ng higit sa 300 video ng live streaming game at kumita ng humigit-kumulang 1.15 milyon yen ($9,970) na kita sa advertising.
Join the Conversation