
Isang lalaking Vietnamese ang namatay nang mag-isa sa dormitoryo ng kanyang pinagtatrabahuhan. Pinaghihinalaan na nahawahan siya ng coronavirus.
Si Nguyen Ngoc Trong ay isang 24-taong-gulang na trainee sa isang kumpanya ng coatings sa Chiba Prefecture, silangan ng Tokyo. Iniwan niya sa Vietnam ang kanyang asawang at 2-taong-gulang na anak na lalaki.
Si Trong ay nakaranas ng mga isyu sa kalusugan ng maraming beses matapos ang pagpunta sa Japan dalawang taon na ang nakalilipas, at dahil hindi siya makapagsalita ng wikang Hapon, kinailangan niyang magpasama palagi sa ospital.
Bago pumanaw, nasuri na siya na may tonsillitis, anemia at iba pang mga sakit. Nakaramdam din siya ng mga sintomas sa kanyang baga, ngunit nag negatibo ito sa test sa COVID-19 sa isang polymerase chain reaction (PCR) na testing noong Oktubre.
Sa loob ng maraming araw ay bumababa ang kanyang temperatura habang umiinom siya ng gamot, ngunit pagkatapos ay lumilitaw ulit ang mga sintomas ng lagnat makalipas ang ilang araw.
Pagsapit ng Biyernes, Nobyembre 6, wala nang lakas si Trong sa kanyang katawan, at ang kanyang puting unan at kama ay puno ng pulang dugo mula noong umubo siya. nag request siya sa kanyang kompanya na dalhin siya sa ospital ngunit dahil hindi pumasok ang asawa ng president ng kumpanya ay hindi siya nadala sa ospital.
Kinabukasan – Sabado, Nobyembre 7 – Dinala ng asawa ng company president si Trong sa isang kalapit na ospital na, upang maiwasan ang mga impeksyon sa ospital, ay hindi siya na X-ray o sinuri sa dugo para sa mga pasyenteng hinihinalang may impeksyon ng coronavirus.
Binigyan lamang siya ng gamot kabilang ang mga antibiotics at isang sulat ng referral sa ibang ospital.
Noong linggo, Nobyembre 8, Si Trong ay nagsuka ulit ng dugo at tumawag ito sa kanyang kasamahan na Vietnamese na nasa isang business trip na patawagan siya ng ambulansya, pagdating ng ambulansya ay wala na itong buhay.
Ang resulta ng PCR na isinagawa kaagad pagkatapos mamatay si Trong ay bumalik sa negatibo sa COVID-19. Ang paglalarawan sa kanyang medical cause of death ay “pneumonia, cardiopulmonary arrest.”
Join the Conversation