OITA – Inaresto ng Oita Prefectural Police ang anim na kabataan dahil sa nakawan sa isang pachinko parlor sa Lungsod ng Nakatsu , iniulat ng Nishi Nippon Shimnbun (Enero 4).
Ayon sa Nakatsu Police Station, ang mga kabataan, na may edad na 17 at 18, kina-bibilangan ng isang empleyado sa industriya ng konstruksyon at isang mag-aaral sa high school.
Bandang 12:50 ng umaga noong Lunes, tinutukan ng mga suspek ng kutsilyo ang isang lalaking empleyado sa parking lot ng Maruhan bago ito magsara.

Sapilitang ipinasok ng mga suspek ang empleyado sa tanggapan ng parlor at nilimas ang halos ¥3 milyong yen na cash mula sa safe. Ninakaw din nila ang mga pitaka ng dalawa pang lalaki at babaeng empleyado bago tumakas.
Nang araw ding iyon, natagpuan ng isang opisyal na nagpapatrolya sa Lungsod ng Beppu , na may 50 kilometro ang layo, sa loob ng isang sasakyan ang mga suspek.
Habang sila ay nasa voluntary questioning, natagpuan ng mga awtoridad ang malaking halaga ng pera na nasa kanilang posesyon.
Hindi ibinahagi ng kapulisan kung umamin ang mga suspek sa mga krimen.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation