SNOW DRIFT SA TOKYO NAIPON SA REHIYON NG KANTO-KOSHIN

Hinihimok ng mga weather officials ang mga tao na maging alerto para sa mga posibleng pagkagambala sa transportasyon dahil sa naipong niyebe.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspSNOW DRIFT SA TOKYO NAIPON SA REHIYON NG KANTO-KOSHIN

Nagbabala ang mga weather officials tungkol sa pagbuhos ng niyebe sa Tokyo at mga nakapaligid na lugar dito noong Linggo. Maaaring maipon ang niyebe kahit sa gitnang Tokyo.

Sinabi ng Japan Meteorological Agency na ang isang low-pressure system at isang weather front ang nagdala ng niyebe sa mga mabundok na lugar sa rehiyon ng Kanto-Koshin.

At nakitang rin ang sleet sa ibang mabababang lugar.

Ang low front ay inaasahang gumalaw pa- silangan habang nadede-devop , ito na may malamig na hangin na dumadaloy sa arkipelago ng Japan. Ito ay tinatayang magdadala ng matinding niyebe sa mga bulubundukin ng Kanto-Koshin sa Linggo ng gabi at sa mga mabababang lugar ng rehiyon ng bandang hapon ng Linggo.

Sa loob ng 24 na oras hanggang Linggo ng gabi, aabot sa limang sentimetro ng niyebe ang inaasahan sa gitnang Tokyo.

Ang snow ay maaaring maging mas mabigat, depende sa temperatura pati na rin kung saan dadaan ang low front at kung magpapatoy pa ang development nito.

Hinihimok ng mga weather officials ang mga tao na maging alerto para sa mga posibleng pagkagambala sa transportasyon dahil sa naipong niyebe.

Nagbigay babala din ang ahensiya sa posibilidad ng mga aksidente habang naglalakad sa mga nagyeyelong kalsada. Nagbabala rin sila na dahil sa snow ay maaaring gumuho ng mga greenhouse at dumikit sa mga linya ng kuryente at mga puno.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund