BANGKAY NG BABAE NAKITANG PALUTANG LUTANG SA WHARF NG LUNGSOD NG FUKUOKA

Ayon sa Hakatarinko Police Station, hindi pa matukoy ang edad ng babae. Ang kanyang katawan ay nakasuot ng underwear at pantalon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

FUKUOKA – Ang Fukuoka Prefectural Police ay naglunsad ng malawakang imbestigasyon matapos madiskubre ang bangkay ng isang babae sa isang pantalan sa Higashi Ward sa Lungsod ng Fukuoka, iniulat ng Yomiuri Shimbun (Enero 17).

Bandang 10:10 ng umaga noong Enero 16, inalerto ng isang manggagawa ang kapulisan matapos na matagpuan ang bangkay na nakalutang sa kahabaan ng concrete-block breakwater ng Hakozaki Wharf sa Hakata Port.

Ayon sa Hakatarinko Police Station, hindi pa matukoy ang edad ng babae. Ang kanyang katawan ay nakasuot ng underwear at pantalon.

Kasalukuyang inaalam ang pagkakakilanlan ng babae, at inaalam ang sanhi ng pagkamatay nito.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund