Ayon sa isang reliable source na malapit sa dating Agricultural Minister na si Yoshikawa Takamori,ay lantarang inamin nito na siya ay tumatanggap ng pera mula sa isang dating corporate executive habang siya ay nakaupo sa pwesto kung saan siya nanilbihan mula Oktubre 2018 hanggang Setyembre ng nakaraang taon.
Si Yoshikawa, na kaspi ng Liberal Democratic Party, ay nahaharap sa mga paratang ng pagtanggap ng pera na halos umabot nang 5 milyong yen o katumbas ng $48,000 dolyar, mula sa dating namumuno ng isang napakalawak na Egg Producing Farm ,na naka-base sa Lungsod ng Fukuyama sa Prepektura ng Hiroshima.
Ang nasabing dating namumuno ng Egg farm ay matagal-tagal ding pinapakiusapan ang mga miyembro ng DIET at ang Agricultural Minister tungkol sa mga pamantayang pang-internasyonal para sa poultry breeding at iba pang mga usapin. May ilang beses pang nakipagkita sa nasabing tao si Yoshikawa.
Kinukwestyon ng mga prosekyutor ng Tokyo ang dating pinuno at mga opisyal ng ministeryo, pati na rin si Yoshikawa, na nasa voluntary basis.
Isinalasay ng mga reliable source sa NHK ang ginawang pag-amin ni Yoshikawa sa pagtanggap ng suhol mula sa taga-pamahala ng egg farm sa unang bahagi ng buwang ito. Dagdag pa nila na sinabi ng dating ministro sa mga taong malapit sa kanya na nais niyang isiwalat ang buong katotohanan kung hihingiin ng prosekyusyon ang kanyang paliwanag.
Nagbitiw si Yoshikawa bilang isang miyembro ng Mababang Kapulungan noong Martes, sa kadahilanang kasalukuyan siyang inoobserbahan sa isang ospital dahil sa sakit sa puso at nakatakdang maoperahan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation