Lalaki,59, arestado dahil sa pananakal  

"Nahihirapan na akong magbayad ng mga utang. Nais kong magpakamatay ngunit naawa akong maiiwan mag-isa ang aking kapatid."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KANAGAWA- Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang 59 taong gulang na lalaki, walang trabaho, sa salang pagpatay sa nakababata nitong kapatid na babae sa loob ng kanilang tahanan sa Lungsod ng Kawasaki, nitong nakaraang Martes.

Ayon sa mga awtoridad, sinakal diumano ni Koichi Saito ang kanyang kapatid na si Etsuyo sa mga oras ,pagitan ng 6:00 ng umaga at 8:05 ng gabi, iniulat ng Sankei Shimbun.

Tumawag si Saito sa 110. Kungsaan,matapos agad na naitakbo sa ospital si Etsuyo, na sa kasamaang palad ay binawian ng buhay bandang 9:05 Martes ng gabi.

Ayon pa sa mga pulis, inamin ni Saito ang pagkakasala,at sinasabi nito diumanong, “Nahihirapan na akong magbayad ng mga utang. Nais kong magpakamatay ngunit naawa akong maiiwan mag-isa ang aking kapatid.”

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund