Anak ng foreign workers, may posibilidad na mabigyan ng residence status

Sinabi ng pamahalaan ng Japan na ang mga bata na ipinanganak ng mga dayuhan dito sa bansa na may proposed skilled worker visa ay magkakaroon ng posibilidad na makatanggap ng residence status, kahit na ang visa nila ay, sa makatuwid, hindi papahintulutan na madala ang mga pamilya sa Japan. 

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Image: Wikipedia Japan National Diet

Sinabi ng pamahalaan ng Japan na ang mga bata na ipinanganak ng mga dayuhan dito sa bansa na may proposed skilled worker visa ay magkakaroon ng posibilidad na makatanggap ng residence status, kahit na ang visa nila ay, sa makatuwid, hindi papahintulutan na madala ang mga pamilya sa Japan.

Ang iminungkahing visa ay magiging isa sa 2 na nilikha ng isang panukalang batas upang pahintulutan ang higit pang mga dayuhan na magtrabaho sa Japan. Ang panukalang batas, ngayon ay nasa Diet, ay bahagi ng pagsisikap na matugunan ang isang matinding kakulangan sa manggagawa.

Ang mga taong may mga vocational skills sa mga itinalagang larangan ay ikinategorya bilang Type 1 Workers. Ang mga may mas advanced na skills ay nabibilang sa Type 2 Workers. Ang mga tao sa kategoriya na Type 2 ay maaaring magdala ng kanilang mga pamilya at walang limitasyon sa kanilang pamamalagi.

Ang Type 1 workers ay pinahihintulutan lamang na magtrabaho sa Japan ng hanggang sa 5 taon, at hindi maaaring dalhin ang kanilang mga pamilya.

Ang pulong ng Gabinete noong Biyernes ay tumugon sa isang nakasulat na tanong ni Kazunori Yamanoi ng oposisyon ng Partidong Demokratiko Para sa mga Tao.

Ang pulong ay nagbigay ng nakasulat na sagot na nagsasabing ang mga bata na ipinanganak ng type 1 workers matapos magpakasal sa Japan ay maaaring mabigyan ng residence status.

Source: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund