AI technology, naka-tulong sa pag-aresto sa mga shoplifter

Artificial Intelligence, malaki ang maitutulong upang mahuli ang mga shoplifter.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Artificial Intelligence makaka-tulong sa pag-huli sa mga shoplifter.

Ang analysis ng isang security camera footage na mayroong Artificial Intelligence Technology ay naka-tulong sa paga-aresto ng isang shoplifter sa isang convenience store sa Japan.

Inaresto ng mga pulis ang isang 80 anyos na lalaki sa isang convenience store sa Yokohama nuong nakaraang linggo dahil sa pagnanakaw ng isang sumbrero.

Nawalan na umano ng mahigit 9,000 na dolyares na kita ang tindahan dahil sa shoplifting sa nakaraang 6 na buwan.

Nakipag-tulungan ang nasabing tindahan sa isang analysis company na naka-base sa Tokyo upang pag-aralan ang mga imaheng nakuha sa 3,000 oras na kuha ng 6 na security camera ng establisyamento. Gumamit ng artificial intelligence ang analysis upang mapag-aralan ang characteristic ng mga shoplifters.

Ang AI ay naka-program na i-extract ang imahe  ng mga taong inilalagay sa kanilang bag ang mga paninda at saka lalabas ng tindahan ng hindi nagbabayad. Nalalaman rin nito kung ang 2 imahe ay pag mamay-ari ng iisang tao. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mahigit na 100 comparison points kabilang ang haba ng hakbang at kilos o galaw ng mga joints nito sa katawan.

Ini-extract ng analysis ang imahe ng isang shoplifter na kahina-hinala ang galaw nuong ito ay huling pumunta sa tindahan. Kalaunan, ito ay agad naman nakita ng mga staffng tindahan.

Ayon sa presidente ng image analysis company, hindi sa lahat ng oras makikita o mamo-monitor ng mga staff ng establisyemento ang mga security cameras at dito pumapasok ang A1, upang maka-tulong na maiwawasan ang talamak na nakawan sa mga tindahan.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund