Inaresto ng Saitama Prefectural Police ang isang 39 anyos na lalaki sa salang pananaksak sa 3 Cambodian nationals sa isang building apartment sa Hanyu City nuong Sabado, ayon sa ulat ng NHK.
Bandang alas-9:00 ng gabi, si Hideaki Nakayama, walang permanenteng trabaho ay pumasok sa isang unit ng gusali sa Minamihanyu Area, sa pamamagitan ng isang bukas na bintana pumasok ang suspek at pinag-lalaslas ang 3 Cambodian national na naninirahan sa nasabing apartment. 2 lalaki na nasa edad na 32 at 29 anyos at isang babae na 34 anyos. Ang 3 ang nag-tamo ng tama sa tiyan at dibdib mula sa kutsilyo na ginamit ng suspek.
Ayon sa salaysay ng Hanyu Police Station, agad naman na nai-sugod sa pagamutan ang 3 at nakumpirma na hindi malala ang mga natamong pinsala at ang mga ito ay nasa mabuto ng kalagayan.
Matapos ang insidente, isang kapitbahay ang nakarinig umano ng sigaw at iyak ng isang lalaki ang tumawag sa police. Nang dumating ang mga pulis sa lugar ng pinangyarihan, natagpuan nila ang suspek na si Nakayama. Ang suspek ay naka-tira din sa gusali ngunit sa ibang unit. Ang suspek ay nakita sa kalsada na malapit sa residente ng mga biktima na puno ng dugo sa mukha.
“Ako ang sumaksak sa 3 dayuhan.” sinabi umano ng suspek sa mga pulis nuong ito ay inaresto sa salang attempted murder. “Pumasok ako sa unit dahil gusto kong pumatay ng tao.”
7 tao ang nasa loob ng residente nuong oras na nangyari ang insidente. Ayon sa mga pulis, ilang kutsilyo umano ang ginamiy ng suspek nuong isinagawa ang krimen.
Inaalam na ngayon ng mga pulis ang motibo ng krimen.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation