Plano nang Japan na simplehan lamang ang piging para sa pag-hirang sa bagong emperor ng bansa.

Lilimitahan ang mga bisita at simpleng piging lamang ang planong gawin ng government committee para sa pag-hirang sa bagong Emperor ng bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Nuong Martes sa Tokyo ay nakipag-pulong si Prime Minister Shinzo Abe sa government committee ukol sa ceremony arrangement na gagawin para sa bagong hirang na emperor ng bansa.

Pinag-desisyonan ng gobyerno nuong Martes na bawasan ang bilang ng piging na gagawin upang ipag-diwang ang pag-upo sa trono ng bagong hirang na Emperor sa susunod na taon. Ang iba rito ay gagawing buffet style.

Ang hakbang na ito ay ginawa upang mabawasan ang mga gawain ni Crown Prince Naruhito, ang susunod na mauupo sa Chrysanthemum Throne sa darating na ika-1 ng Mayo. Ito ay matapos bumaba sa pwesto ang kanyang ama na na si Emperor Akihito,  ang kasalukuyang emperor ng bansa.

Ito ang pinaka-unang buhay na Japanes Monarch sa loob ng 200 taon. Kabilang sa mga dadalo sa pagdiriwang ang ilan sa mga miyembro ng Imperial Family.

Napagsang-ayunan ng government committee sa pangunguna ni Prime Minister Shinzo Abe na mag-imbita ng mahigit 2,600 na panauhin para sa apat na inihandang piging na gagawin sa Oktubre ng taong 2019, upang ipagdiwang ang pag-upo sa trono ng bagong hirang na Emperor. 2 sa piging na ito ay gagawing buffet style.

Nang umupo sa trono si Emperor Akihito nuong Enero, 1989 siya ay dumalo sa 4 na sunod-sunod na piging na inihanda ng gobyerno. Nag-simula ito nuong ika-12 ng Nobyembre taong 1990, mahigit 3,400 na panauhin ang dumalo sa nasabing selebrasyon at ang lahat ng pagkain ay isini-serve sa table.

Ang committee ay nag-desisyon rin na kumuha ng isang convertible car na mayroong enhanced safety feature at fuel economy para sa parada sa ika-22 ng Oktubre nang susunod na taon upang ipakilala sa publiko ang bagong hirang na Emperor.

Napagka-sunduan rin ng gobyerno na hindi gagastos ng ¥18 milyong yen upang ipa-ayos ang Rolls-Royce Convertible na ginamit sa huling parada nuong Nobyembre taong 1990. Ang mamahaling sasakyan ay nabili sa halagang ¥40 milyong yen.

Ang panel ay nag desisyon rin na limitahan ang imbitadong panauhin na makiki-bahagi sa Enthronement Ceremony sa ika-22 ng Oktubre, 2019 ng 2,500 katao lamang, katulad lamang ng bilang nuong nakaraang pagdiriwang. Nag-imbita ng mahigit 900 dayuhang panauhin para sa isang dinner na ihi-host ng Punong Ministro at ng may-bahay nito.

Source: Japan Times

Image: Kyodo

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund