Sinabi ng mga opisyal ng kalusugan na may kabuuang 2,032 katao na ang naimpeksiyon ng rubella, o German measles, sa Japan sa taong ito hanggang Nobyembre 11.
Sinasabi nila na ang bilang ay 21 na beses na mas madami keysa noong nakaraang taon at naging ganito kalaki ang bilang sa unang pagkakataon mula nang unang outbreak nito noong 2013 na ang bilang ay lumampas sa 2,000.
Ang National Institute of Infectious Diseases sa Tokyo ay nagsabi na ang impeksyon sa panahon ng pagbubuntis ay maaaring magresulta sa visual, hearing o heart disorder sa sanggol.
Ang institute ay tumatawag sa mga kababaihan upang magpabakuna at sundan ng isang booster shot bago sila maging buntis.
Sinasabi rin nito na mahalaga para sa mga miyembro ng pamilya ng mga buntis na mabakunahan din.
Source: NHK World
Join the Conversation