https://youtu.be/62-wSCYnQew
Ang lungsod ng Nagoya sa gitnang Japan ay maglulunsad ng isang kampanya upang labanan ang mga dumi ng aso na nakakalat sa lansangan.
Sa Lunes, nagsimula ang mga opisyal ng lungsod na bilugan gamit ang chalk ang paligid ng dumi bilang isang paraan ng paghimok sa mga tao na linisin ang dumi kapag nilalakad ang kanilang mga aso.
Inimbitahan ang media sa isang test run. Magsisimula ang buong kampanya sa sususnod na taon simula Abril.
Isinulat din ng mga opisyal ng lungsod ang oras at araw sa tabi ng mga dumi, na kanilang natagpuan sa 42 na lokasyon sa loob lamang ng 40 minuto.
Sinasabi ng mga opisyal na nakatanggap sila ng mga 600 na reklamo sa isang taon tungkol sa mga dumi ng aso.
Ang Nagoya ay sumunod sa mga yapak ng Uji City sa Kyoto Prefecture, kung saan ang “dilaw na chalk” na pamamaraan ay napatunayang matagumpay.
Ang mga miyembro ng publiko ay magsagawa din ng araw-araw na patrol, maliban sa Linggo, sa pagtatapos ng buwan na ito upang makita kung ang dilaw na chalk ay epektibo. Sinabi ng naninirahan sa Nagoya na si Mikiko Kitagawa na nagulat siya na makita ang napakaraming dumi na di nililinisan ng mga pet owner.
Ang hindi paglinis ng dumi ng aso sa kalye ay pinagbawalan ng mga lokal na awtoridad sa buong Japan.
Source: NHK World
Join the Conversation