TOKYO – Isang junior high school na babae ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa paparating na train noong Agosto, ay isang biktima ng pambu-bully sa kanyang paaaralan, napag-alaman ng Mainichi Shimbun.
Ang ikalawang taon na junior high student ay nag-iwan ng suicide note na nagsasabing nakakaranas siya ng problema sa kanyang club sa paaralan sa western Tokyo city of Hachioji. Sa sandaling maghain ng kahilingan ang kanyang mga magulang, nagtatag ang Hachioji Municipal Board of Education ng isang third-party na imbestigasyong panel upang tingnan ang isang posibleng koneksyon sa pagitan ng kanyang pagpapakamatay at ang problema sa paaralan.
Ayon sa mga taong pamilyar sa kaso, namatay ang mag-aaral mga dalawang linggo matapos tumalon sa harap ng isang tren sa istasyon ng East Japan Railway Co. (JR East) sa Hachioji.
Ang mga indibidwal na may kaalaman sa insidente ay nagsabi sa Mainichi na ang batang babae ay hindi na pumasok sa paaralan matapos ang mga mag-aaral sa mas mataas na taon sa kanyang club ay pinupuna siya sa LINE mobile messaging app noong Agosto 2017, habang ang ibang mga miyembro ng club ay hindi siya pinansin. Noong unang bahagi ng Oktubre sa parehong taon, inamin ng mga matatandang estudyante na labis nilang pinuna ang babae at humingi na sila ng tawad sa batang babae, pagkatapos na tinanong sila ng guro na nangangasiwa ng club na tungkol sa kanilang problema.
Kahit na hinusgahan ng paaralan na ang problema ay nalutas na, ang batang babae ay hindi pa rin pumapasok sa klase kahit na pagkatapos ilipat sa isa pang munisipal na junior high school noong Abril 2018.
Ang punong-guro sa kanyang unang junior high ay nagsabi na, “Nakita ko ang kanyang note, at totoo na sinasabing nagkakaroon siya ng problema sa kanyang club. Alam namin na ang problema na ito ay school bullying at siniseryoso namin ang kaso.”
(Japanese original by Megumi Nokura, Hachioji Bureau)
Join the Conversation