Ayon sa ulat ng Jiji Press, inaresto ng Shizuoka Prefectural Police nuong nakaraang linggo ang isang 45 anyos na lalaki dahil sa karumal-dumal na pananaksak sa dating kasintahan sa loob ng isang bar sa Hamamatsu City.
Bandang alas-11:20 ng gabi nuong Ika-1 ng Nobyembre, si Yasumasa Yamaguchi, walang trabaho, ay paulit-ulit na pinag-sasaksak sa dibdib at leeg sa isang bar sa Naka Ward ang Pilipinang si Rowena Casimiro Haga, 48 anyos.
Ayon sa mga awtoridad, nang dumating sa crime scene ang mga medical personnel ay agad na isinugod ang biktima sa pagamutan na kalaunan ay binawian rin ng buhay.
Ang suspek ay agad na tumakas gamit ang isang kotse matapos gawin ang krimen. Isang police officer ng Hamamatsu Chuo Police Station ang naka-kita sa suspek sa loob ng isang kotse na naka-park sa tabi ng kalsada 1.7km ang layo sa lugar ng pinang-yarihan, 4 na oras makalipas ang krimen.
Inakusahan ng awtoridad si Yamaguchi sa kasong murder. Ngunit hindi malinaw kung umamin ang suspek sa mga paratang sa kanya.
Nakipag-hiwalay na umano si Haga kay Yamaguchi nuong ika-22 ng Hunyo. Nagkaroon din ng pagkaka-taon na komunsulta si Haga sa mga pulis dahil ini-stalk umano siya ng suspek at dumating rin sa punto na siya ay pinuntahan sa kanyang tirahan. Ilang beses na din nag-issue ang mga pulis ng warning sa suspek.
Ini-imbestigahan ngayon ng mga awtoridad ang dahilan kung bakit nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation