Chairman ng Nissan na si Ghosn, arestado sa Japan

Chairman ng Nissan Motors, arestado dahil sa hindi tamang pag-report ng kanyang kinita.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Carlos Ghosn, chairman ng Nissan Motors

Inaresto ng Tokyo prosecutors ang chairman ng Nissan Motors na si Carlos Ghosn dahil sa hinalang hindi pag-report ng tama ng kanyang kinita.

Nag-total ng 1.1 bilyon yen o mahigit na 9.7 milyon dolyares ang executive compensation ni Ghosn nuong taong 2016. Ngunit nabawasan ng 33 porsyento ang ini-report nitong kita nuong taong 2017. 730 milyong yen lamang ang ini-report nitong kita.

Si Ghosn ay mula sa Renault na isang french automaker, siya ay nagung Chief Operating Office nang Nissan nuong 1999, ito ay matapos maka-tanggap ng investment ang kompanya mula sa French firm. Nuong mga panahong iyon ay dumaranas ng pagka-lugi ang kompanyang Nissan.

Pagkaraan ng isang taon si Ghosn ay naging Presidente ng Nissan. Dahil sa pag-sisikap at dala ng magandang performance, muling nabuhayan ang kompanya ng Nissan.

Nuong taong 2005, nai-lagay din sa mataas na posisyon sa Renault si Ghosn.

Ang French-Japanese group ay epektibong inilagay ang Mitsubishi Motors sa ilalim ng pamamahala nito. Si Ghosn ay naging Chairman din ng Mitsubishi kung saan nasangkot ito sa isang Mileage Data Tampering Scandal.

Nuong nakaraang taon, nag-retiro bilang Presidente at CEO si Ghosn at siya ay naging Chairman ng kompanya.

Ang kompanya ay naka-benta ng mahigit na 10.6 milyong unit ng sasakyan nitong nakaraang taon, tinalo nito ang Toyota at itinanghal na Second-biggest Auto Seller sa bansa.

Source and Image: NHK World

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund