Coming-of-age ceremonies o Seijinshiki sa buong Japan gaganapin online o ikakansela upang iwas Covid
Ang mga lokal na pamahalaan sa buong Japan ay nagbigay ng panawagan upang kanselahin ang mga seremonya ng seijinshiki o gawin ito online kasunod ng anunsyo ng pambansang pamahalaan noong Enero 4 na isasaalang-alang nito ang pagdeklara ng isa pang state of emergency sa buong Tokyo at tatlong karatig na prefecture: Saitama, Chiba, at Kanagawa. ⬇️⬇️⤵️⤵️





