TOKYO
Ang top-ranked sumo wrestler ng Japan na si Hakuho ay nagpositibo sa coronavirus, inihayag ng Japan Sumo Association (JSA) nitong Martes.
Ang Mongolian born na si Hakuho, 35, na pinakamatagal na naglilingkod na yokozuna (nangungunang manlalaro ng sumo), ay inihayag sa pamamagitan ng website ng JSA na kumuha siya ng isang test sa COVID-19 matapos mawala ang kanyang pang-amoy.
Hihingi ngayon si Hakuho ang payo ng mga dalubhasa at ang iba pang mga manlalaban sa kanyang kuwadra sa Miyagino ay na ipa test din, ayon sa pahayag.
Ang positibong resulta ni Hakuho ay dumating limang araw lamang bago magsimula ang sumo New Year Grand Tournament sa Enero 10.
Sa ngayon, hindi pa sinabi ng JSA kung ipagpaliban ang paligsahan.
Noong Mayo, ang 28-taong-gulang na sumo wrestler na si Shobushi ay namatay dahil sa organ failure na nauugnay sa coronavirus matapos na mahawahan siya.
Hanggang noong Martes, iniulat ng Japan ang 249,246 na mga kaso ng coronavirus at 3,693 ang namatay.
© Thomson Reuters 2021.
Join the Conversation