Visa fees sa Japan, tataas nang limang beses simula Hulyo
Magpapatupad ang gobyerno ng Japan ng malaking pagtaas sa bayad para sa mga visa ng mga dayuhan simula sa susunod na buwan.
Nagpasya ang gobyerno ng Japan na itaas ang singil sa visa para sa mga dayuhang mamamayan nang limang beses simula Hulyo 1.
Inaprubahan ng gobyerno ang rebisyon sa isang pulong ng Gabinete noong Biyernes. Ang mga singil sa pag-isyu ng visa ng bansa ay hindi nagbago sa loob ng halos 50 taon.
Ang mga singil sa single-entry visa ay tataas sa 15,000 yen, o humigit-kumulang 93 dolyar, mula sa kasalukuyang 3,000 yen. Ang mga singil sa pag-isyu para sa mga visa na nagpapahintulot ng maraming pagpasok sa loob ng isang takdang panahon ay itataas sa 30,000 yen, o humigit-kumulang 186 dolyar, mula sa 6,000 yen.
Sinabi ni Foreign Minister Motegi Toshimitsu sa mga reporter na ang kasalukuyang mga singil sa visa ay itinakda noong 1978 at sinuri bilang tugon sa pagtaas ng mga presyo at mga pagbabago sa mga halaga ng dayuhang palitan.
Sinabi niya na ang desisyon ay ginawa matapos isaalang-alang ang iba’t ibang epekto at iba pang mga salik, at hindi niya inaasahan na ang rebisyon ay magkakaroon ng agarang epekto sa papasok na turismo.





