Residente ng Yokohama, nahawaan ng tigdas matapos makabalik sa Japan mula sa Thailand

Isang residente ng lungsod ng Yokohama na nasa edad 20 na kamakailan ay bumalik mula sa Thailand ang nadiagnose na may tigdas, inihayag ng lokal na pamahalaan noong Peb. 26. #PortalJapan see more ⇩⇩⤵⤵

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspResidente ng Yokohama, nahawaan ng tigdas matapos makabalik sa Japan mula sa Thailand

YOKOHAMA — Isang residente ng lungsod ng Yokohama na nasa edad 20 na kamakailan ay bumalik mula sa Thailand ang nadiagnose na may tigdas, inihayag ng lokal na pamahalaan noong Peb. 26.

Ito ang unang kumpirmadong kaso ng tigdas impeksyon sa lungsod mula noong 2022 at kauna unahan sa Kanagawa Prefecture ngayong taon.

Ayon sa health and safety division ng Yokohama Municipal Government, bumalik ang babae sa Japan mula Thailand Feb. 9. Nagkaroon siya ng mga sintomas tulad ng lagnat, sore throat at pag ubo, at nakita siya ng isang doktor Feb. 21. Nagkaroon din siya ng mga sintomas ng pantal, at na diagnosed na Feb. 26 na may tigdas sa pamamagitan ng genetic testing. Nasa ospital pa rin siya, pero gumagaling na raw. Walang history ang babae ng bakuna laban sa tigdas.

Ang babae ay gumagamit ng pampublikong transportasyon sa panahon na maaari niyang maipasa ang virus ng tigdas sa iba pang mga tao sa paligid niya. Ang mga detalye sa mga petsa at oras na iyon pati na rin ang mga tiyak na transportasyon ay nasa website ng lungsod.

(Hapon orihinal ni Masakatsu Oka, Yokohama Bureau)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund