Isang Pinoy, ang Japanese na asawa nito at 3 iba ang inaresto dahil sa scam kung saan ay pinapa-subscribe nila ng smartphone sa ilalim ng pangalan ng ibang tao at binibili ito upang i-resell sa ibang tao sa mas malaking halaga.
Ang suspect ay si Ballesteros Ike Yagi (52), isang Filipino national, at Rika Yasutomi (54), ng Suzuka City, Mie Prefecture at tatlong iba pa. Noong Hulyo ng taong ito, pinag contract nila ng smartphone at iba pang mga item na nagkakahalaga ng kabuuang 1.2 milyong yen sa isang tindahan ng mobile phone sa Nishio City, Aichi Prefecture under sa pangalan ng kanilang inutusan na makipag kontrata sa smartphone at binili nila ito mula sa kanila para mare-sell nila sa mas malaking halaga.
Ang imbestigasyon sa dalawang Vietnamese na lalaki at babae na inaresto sa magkahiwalay na kaso ay humantong sa pagkatuklas kay Ballesteros at iba pa na nang eengganyo ng mga tao na mag-sign up para sa mga kontrata sa smartphone.
Hindi ibinunyag ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong tao, ngunit naniniwala sila na muling nagbebenta sila ng mga smartphone sa halagang umabot na sa 2,000 lapad, at sinisiyasat kung maaaring nakagawa sila ng iba pang krimen.
Join the Conversation