KASHIHARA, Nara — Isang bus na lulan ang mga 4th grade elementary students sa kanilang field trip at isang truck ang nag banggaan sa kanlurang lungsod ng Japan noong Oktubre 18, at 18 na mga bata ang nagtamo ng menor na pinsala.
Sinabi ng Nara Prefectural Police na ang sightseeing bus na lulan ng 34 na elementarya at ang truck ay nagkaroon ng menor na banggaan sa isang intersection sa National Route 24 sa Kashihara bandang 8:55 a.m.
Ayon sa lokal na departamento ng bumbero, ang mga pasahero ay nasa ikaapat na baitang mula sa prefectural Katsuragi Municipal Shinjo Elementary School sa lungsod ng Katsuragi. Labing-walo sa kanila ang nagreklamo ng pisikal na pananakit at karamdaman, ngunit ang kanilang mga pinsala ay pinaniniwalaang maliit at hindi itinuturing na nagbabanta sa buhay. Dalawang guro mula sa paaralan at isang driver ang nasa bus din, ngunit wala ni isa sa kanila ang nasugatan.
Ayon sa Katsuragi Municipal Board of Education, ang mga bata ay binalak na pumunta sa isang araw na iskursiyon sa mga labi ng Heijo Palace at Nara Park sa sinaunang kabisera ng Japan.
(Orihinal na Japanese ni Takeshi Kawabata at Fumika Kiya, Nara Bureau; at Yusuke Kori, Osaka City News Department)
Join the Conversation