Namatay ang isang Technical intern trainee na Pilipino nang mabagsakan ng bundle ng aluminum rods sa pabrika na kanyang pinagta-trabahuan.
Bandang 1:50 ng hapon noong ika-17, tumawag sa 119 ang isang empleyado ng SMC, isang kumpanya sa pagpoproseso ng metal sa Fukui, Miki City, Hyogo Prefecture, na nagsasabing, “Isang bundle ng mga aluminum bar ang nahulog sa ulo ng isang empleyado.”
Nang sumugod ambulansya sa pinangyarihan, isang lalaki ang natagpuang nakahandusay sa ground na may dugong umaagos sa kanyang ulo, at siya ay nakumpirmang dead on the spot.
Ayon sa pulisya, ang lalaki ay isang technical intern trainee na nasa edad na 30 na may Filipino nationality, at iniimbestigahan ang mga detalye.
Ayon sa anunsyo, ang lalaki ang namamahala sa pag-bundle ng 300 hanggang 400 humigit-kumulang 2-meter aluminum rods na may mga metal string sa araw na iyon.
Ang bawat bundle ay tumitimbang sa pagitan ng 450 at 680 kilo, at nakatambak sa limang layer at inilagay sa tabi.
Ayon sa pulisya, nang marinig ng isang kasamahan ang isang malakas na ingay at nakita niya nalang na nakahandusay na ang kasamahan, at may tatlong bundle ng aluminum rods (1.3 hanggang 2 tonelada) ang nahulog at nakakalat sa sahig. Nabahiran ng dugo ang ilan sa mga aluminum bar, at hinala ng pulisya na gumuho ang bundle ng aluminum bar at direktang tumama sa lalaki.
Join the Conversation