Ang mga rescue crew na naghahanap ng submersible na nawala sa North Atlantic ay nakakita ng “debris field” noong Huwebes sa lugar kung saan nawala ang sub. Nangangamba sila na ang limang tao na sakay ay namatay.
Hinahanap ng mga search team ang submersible mula nang mawala ito noong Linggo. Ang sub ay nagsimulang maglibot sa mga guho ng Titanic.
Sinabi ng mga opisyal ng US Coast Guard na natagpuan ng isang remotely controlled deep-sea vehicle na ipina-laot ng isang barko ng Canada ang mga labi sa sahig ng karagatan. Nakita nila ang limang “major” na piraso na pinaniniwalaan nilang mula sa sub.
Sinabi ni US Coast Guard First District Commander John Mauger, “Ang mga labi ay consistent sa sakuna nang pagkawala ng pressure chamber. Sa pagpapasiya na ito, agad kaming tumawag at ipina-alam sa pamilya.”
Sinabi ni Mauger na ang mga search crew ay magpapatuloy sa kanilang mga operasyon. Idinagdag niya na ang mga eksperto ay nagtatrabaho pa rin upang makabuo ng isang mas kumpletong timeline ng kaganapan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation