Isang high-pressure system ang nagdala ng maaraw na panahon sa malalawak na lugar mula sa rehiyon ng Chugoku sa kanlurang Japan hanggang sa rehiyon ng Tohoku sa hilagang-silangan ng bansa noong Linggo.
Lumagpas sa 30 degrees Celsius ang pinakamataas sa araw sa maraming lokasyon. Tumaas ang mercury sa 35.5 degrees sa Maebashi City sa Gunma Prefecture, 34.5 degrees sa Kumagaya City sa Saitama Prefecture, at 31.1 degrees sa central Tokyo.
Sa Lunes, ang mainit na panahon ay tinatayang magpapatuloy, pangunahin sa kanlurang Japan at sa rehiyon ng Tokai, at ang temperatura ay malamang na tumaas sa 30 degrees sa ilang lugar.
Ang mga awtoridad ay nagpapayo ng pag-iingat dahil dumarami ang mga tao ang isinusugod sa ospital na may hinihinalang sintomas ng heatstroke.
Nananawagan sila sa mga tao na gumamit ng air conditioner nang naaangkop upang panatilihing mababa sa 28 degrees ang temperatura ng silid at uminom ng tubig bago sila makaramdam ng uhaw. Pinapayuhan ang mga taong nagtatrabaho sa labas na magpahinga nang regular.
Join the Conversation