87-year-old na lalaki nag donate ng 29 kilograms na gold sa Minoo City

Isang 87-anyos na lalaki sa Osaka Prefecture, western Japan, ang nag-donate ng 29 kilo ng ginto sa isang lungsod kung saan siya matagal nang naninirahan. #PortalJapan see more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp87-year-old na lalaki nag donate ng 29 kilograms na gold sa Minoo City

Isang 87-anyos na lalaki sa Osaka Prefecture, western Japan, ang nag-donate ng 29 kilo ng ginto sa isang lungsod kung saan siya matagal nang naninirahan.

Nagbukas si Nakashima Natsuo ng beef restaurant sa Minoo City noong kalagitnaan ng 1960s at pinatakbo ito nang mahigit 50 taon.

Noong nakaraang buwan, nag-donate siya ng kanyang mga ari-arian sa lungsod at hiniling na ang pera ay gamitin sa pagbili ng mga ambulansya at para mapalakas ang lokal na turismo.

Ang kanyang regalo sa lungsod — 29 kilo ng ginto at isang kilo ng platinum — ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang 2 milyong dolyar. Ipinakita ito sa media noong Martes.

Noong Martes din, inimbitahan si Nakashima sa tanggapan ng lungsod at ginawaran ng sertipiko ng pagpapahalaga ni Mayor Ueshima Kazuhiko.

Ipinaliwanag ni Nakashima na gusto niyang ibalik sa lungsod ang naipon niya doon sa loob ng kalahating siglo.
Ang alkalde ay nagpahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat at nangakong gagamitin ang pera alinsunod sa kagustuhan ni Nakashima.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund