Ang mga opisyal ng Environment Ministry ng Japan ay nagsisikap na puksain ang daan-daang napakalason na fire ants na natagpuan sa isang pier sa Tokyo Bay.
Ang mga insekto ay kilala bilang red imported fire ants. Itinalaga ng gobyerno noong Abril ang mga langgam bilang isang invasive alien species na nangangailangan ng agarang aksyon.
Sinabi ng ministeryo na humigit-kumulang 100 sa mga langgam ang nakita sa isang container yard ng Oi Pier noong Martes, at isa pang 150 sa malapit sa parehong lugar noong Miyerkules.
Sinabi ng mga opisyal na ito ang unang pagkakataon sa taong ito na nakumpirma ang mga fire ants sa Japan. Naniniwala sila na ang mga langgam ay hindi nag-mula sa bansa, dahil walang nakitang reyna.
Sinisikap ng mga opisyal na puksain ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pagkain na naglalaman ng insecticides sa paligid ng mga site.
Hinihiling ng ministeryo sa mga kumpanyang gumagamit ng pier na agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang nakitang parang mga fire ants.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation