d
TOKYO — Dalawampu’t isang estudyante sa isang high school ang nagreklamo ng mga hinihinalang sintomas ng heatstroke noong unang bahagi ng hapon ng Hunyo 7, sa araw ng sports day o undoukai ng paaralan.
Nakatanggap ang kagawaran ng bumbero ng isang emergency na ulat ng “maraming estudyante ang na heatstroke” mula sa Tokyo Metropolitan Koiwa High School sa Edogawa Ward bandang 1:20 p.m. Ayon sa Metropolitan Police Department (MPD) at iba pang source, pito sa 21 estudyanteng nagpapakita ng sintomas — limang babae at dalawang lalaki — ang dinala sa ospital. Lahat daw ay minor cases. Ang MPD at ang Tokyo Fire Department ay nag-iimbestiga sa mga detalye.
Sabi ng isang babaeng nasa 70s na nakatira sa malapit, “Nakita ko ang isang batang babae na ang buong katawan ay tila malata na dinadala sa isang stretcher. Lima o anim na ambulansya ang naroon.”
Ang temperatura sa gitnang Tokyo ay 29.4 degrees Celsius noong 2:40 p.m. sa parehong araw.
(Orihinal na Japanese ni Kengo Suga, Tokyo City News Department)
Join the Conversation