Nasisiyahan ang mga tao sa pamamasyal sa sinaunang kabisera ng Nara, sakay ng isang hot air balloon, na nakakakita ang bird’s-eye view ng mga kalye na may linya ng mga lumang templo at iba pang makasaysayang gusali.
Isang grupo ng mga lokal na hotel at accommodation ang nag-organisa ng kaganapan, na nag-simula nuong Sabado at gaganapin tuwing weekends hanggang Pebrero 5.
Unti-unting umangat ang lobo sa taas na humigit-kumulang 25 metro. Nasisiyahan ang mga pasahero na tingnan ang tanawin mula sa taas, kabilang ang mga templo ng Yakushiji at Toshodaiji, na mga UNESCO World Heritage site.
Sinabi ng isang ginang na ang pamilyar na mga tanawin ng kanyang bayang kinalakhan ay mukhang mas kahanga-hanga mula sa himpapawid.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation