TOKYO (Kyodo) — Isang babaeng inmate na naghihintay ng bitay sa Japan matapos mahatulan ng pagpatay sa dalawang lalaki sa western prefecture ng Tottori noong 2009 ay namatay noong Sabado dahil sa asphyxiation matapos mabulunan ng pagkain, sinabi ng Justice Ministry noong Linggo.
Si Miyuki Ueta, 49, ay nakakulong sa Hiroshima Detention House. Ang sanhi ng kamatayan ay kinumpirma ng isang doktor sa labas na nagsuri sa kanyang katawan, idinagdag ng ministeryo.
Si Ueta, isang dating bar worker, ay nahatulan ng pag lagay ng pampahilo sa isang truck driver nilunod ito sa dagat noong Abril 2009 at ang isang pang lalaki na may-ari ng electronics store sa isang ilog noong Oktubre ng taong iyon.
Ang kanyang sentensiya ay kamatayan.
Kasunod ng pagkamatay ni Ueta, 105 katao ang nananatiling nakakulong na may pinal na parusang kamatayan sa Japan, ayon sa ministeryo. Nagkaroon ng isang execution noong 2022.
Join the Conversation