Ang matinding lamig at matinding pag-buhos ng niyebe ang tatama sa Japan ngayong Martes

Sinabi ng Meteorological Agency na isang malamig na hangin ang dadaloy sa kanluran at silangang Japan sa pagitan ng Martes at Huwebes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspAng matinding lamig at matinding pag-buhos ng niyebe ang  tatama sa Japan ngayong Martes

Nagbabala ang mga opisyal ng lagay ng panahon ng Japan na ang pinakamalamig na hangin sa taglamig na ito ay inaasahang magdadala ng matinding pag-niyebe sa baybayin ng Dagat ng Japan at ilang lugar sa bahagi ng Pasipiko ng bansa mula Martes.

Hinihimok nila ang mga tao na maghanda para sa matinding snow at malamig na temperatura sa lalong madaling panahon.

Sinabi ng Meteorological Agency na isang malamig na hangin ang dadaloy sa kanluran at silangang Japan sa pagitan ng Martes at Huwebes.

Inaasahang magdadala ito ng matinding snow at snowstorm sa baybayin ng Japan Sea mula hilaga hanggang kanlurang Japan. Kung magtatagal ang mga ulap ng niyebe, maaari silang mag-bagsak ng maraming niyebe sa maikling panahon.

Sinabi ng mga opisyal na ang mga mababang lugar sa Pacific side ng Kyushu at Shikoku ay maaari ding magkaroon ng makapal na snow.

Sinabi ng mga opisyal ng panahon na lalakas din ang hangin sa buong bansa, at inaasahan ang mga malalakas na alon sa baybayin ng silangan at kanlurang Japan gayundin ang Okinawa at Amami.

Sa Miyerkules ng umaga, ang temperatura ay inaasahang babagsak sa 11 degrees Celsius sa Sapporo, minus 8 sa Nagano, minus 6 sa Sendai at minus 3 degrees sa Tokyo.

Nagbabala ang Meteorological Agency na ang mga snowstorm ay maaaring makagambala sa transportasyon at maging sanhi ng pagkawala ng kuryente. Ang mga tubo ng tubig ay maaari ding mag-freeze. Sinasabi nito na ang mga residente ng mga lugar kung saan inaasahan ang malakas na snow ay dapat na iwasang lumabas kung maaari.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund