OSAKA
Inaresto ng pulisya sa Osaka ang isang 42-anyos na lalaki dahil sa hinalang pang-aabuso matapos niyang ikulong ang kanyang dalawang buwang gulang na anak sa loob ng freezer na may temperatura na minus 18° Celsius.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa pagitan ng Abril 15 at 16 noong nakaraang taon sa loob ng isang silid ng hotel sa Fukuoka City, kung saan nanunuluyan ang pamilya, iniulat ng Fuji TV. Nasa kwarto ang refrigerator.
Sinabi ng pulisya na si Tatsuji Nishioka, isang empleyado ng kumpanya, ay naaresto noong Lunes. Itinanggi ng suspect ang paratang sakanya. Ayon sa kanya, “Napaka cute ng anak ko, katuwaan lang namin yon pero wala akong intensyon na abusuhin siya.”
Nabunyag ang kaso matapos ma-diagnose ng doktor noong Agosto na may bali sa kaliwang hita at tadyang ang sanggol. Nakipag-ugnayan siya sa isang child welfare consultation center, na nag-ulat ng insidente sa pulisya.
Ang mga pulis ay nag halughog sa bahay ni Nishioka at nakakita ang mga larawan at video footage ni Nishioka na ikinulong ang kanyang sanggol na anak sa loob ng freezer. Mayroon ding video ng sanggol na iniwang nakahiga pataob sa mesa ng bahay.
© Japan Today
Join the Conversation