Ang Self-Defense Forces ng Japan ay nagsimulang magbigay ng mga booster shot laban sa coronavirus sa isang malaking venue sa Tokyo.
Binuksan ang site sa isang gusali ng gobyerno sa distrito ng Otemachi ng Tokyo noong Lunes ng umaga upang magbigay ng pangatlong shot sa mga taong gustong magpa-booster.
May 4,300 na slots para sa anim na araw hanggang Sabado ang napuno sa loob ng humigit-kumulang siyam na minuto pagkatapos magsimulang tumanggap ng mga reserbasyon ang mga opisyal.
Pumasok ang mga bisita sa mga vaccination booth matapos tanungin ng mga opisyal ng SDF na mga medical doctor din. Sinuri ng mga nurse ang kanilang mga pangalan at nagtanong tungkol sa kanilang kalusugan bago ibigay ang mga vaccine.
Inaasahan ng Defense Ministry na maaaring magkaroon ng problema ang mga tumatawag dahil sa sobrang busy ng linya, at hinihimok ang mga tao na magpareserba online.
Join the Conversation