MOTOBU, Okinawa — Ang mga Taiwan cherry blossoms na isang species ng sakura na pinakaunang namumulaklak sa Japan, ay kasalukuyang namumulaklak na sa bayan ng Motobu sa Okinawa.
Pinalamutian ng mga bulaklak ang isang subtropikal na kagubatan sa Mount Yaedake na sikat sa mga puno ng Taiwan sakura trees.
Namumulaklak ang mga ito sa mga maiinit na rehiyon gaya ng Okinawa Prefecture, at nagtatampok ng matingkad at dark pink na bulaklak na hugis kampana. Hindi tulad ng Someiyoshino variety ng cherry tree sa mga pangunahing isla ng Japan, ang Taiwan cherry trees sa Mount Yaedake ay nagsisimulang mamulaklak mula malapit sa tuktok, at ang blossom front ay gumagalaw sa ibabang bahagi patungo sa paanan ng bundok.
Mga 7,000 na puno ng cherry blossoms ang nasa kahabaan ng munisipal na kalsada patungo sa tuktok ng Mount Yaedake. Ayon sa asosasyon ng turismo ng bayan, nagsimulang mamukadkad ang mga pamumulaklak noong kalagitnaan ng Enero, na mas maaga kaysa karaniwan. Sa kasalukuyan ang mga ito ay 80% na namumulaklak at magiging full bloom mula sa unang bahagi ng Pebrero.
(Japanese original ni Shinnosuke Kyan, Kyushu Photo Department)
Join the Conversation