Kambal na Panda, inilabas na sa publiko sa Ueno Zoo

Ang lalaki, si Xiao Xiao, at ang babae, si Lei Lei, ay isinilang sa zoo noong Hunyo 23. Patuloy silang lumalaki, na ang bawat isa ay tumitimbang ng mga 14.5 kilo noong Martes.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKambal na Panda, inilabas na sa publiko sa Ueno Zoo

Nag-debut ang kambal na higanteng panda cubs sa mga bisita sa Ueno Zoological Gardens sa Tokyo. Ang unang pampublikong pag papalabas sa mga anak ay limitado lamang sa tatlong araw mula Miyerkules dahil sa mabilis na muling pagbangon ng mga impeksyon sa COVID-19.

Ang lalaki, si Xiao Xiao, at ang babae, si Lei Lei, ay isinilang sa zoo noong Hunyo 23. Patuloy silang lumalaki, na ang bawat isa ay tumitimbang ng mga 14.5 kilo noong Martes.

Pansamantalang nagsara ang zoo dahil sa pandemya mula Martes, ngunit sinimulan nito ang pampublikong pagpapatingin sa mga panda noong Miyerkules ng umaga.

Ang mga masuwerteng nanalo sa isang draw para sa mga tiket sa panonood ng panda ay pinahintulutang manatili sa harap ng kulungan ng mga hayop nang halos isang minuto.
Nasiyahan silang panoorin ang mapaglarong sina Xiao Xiao at Lei Lei, na mas kalmado, kumakain ng mga kawayan kasama ang kanilang ina, si Shin Shin.

Noong nakaraang buwan, tinanggap ng zoo ang mga aplikasyon para sa mga tiket para matingnan ang mga panda. Sa bilang ng mga pang araw-araw na bisita na limitado sa mahigit 1,000 lang, ang pagkakataong mapili ay naging isa sa halos 350.

Sinabi ng mga opisyal ng zoo na ang oras ng susunod na panonood ay hindi pa napagpasyahan.

Isang batang babae mula sa Tokyo ang nagsabi na siya ay mapalad na manalo ng isang tiket.Sinabi niya na nakita niya ang isa sa mga kambal na nahulog mula sa isang sanga ng puno habang natutulog, na kaibig-ibig pagmasdan. Isang babae mula sa Saitama Prefecture, malapit sa Tokyo, ang nagsabing umaasa siyang magtatagumpay ang zoo sa pagpaparami pa ng mas maraming panda’s.

Sinabi ng opisyal ng zoo na si Ohashi Naoya na gumaan ang pakiramdam ng staff na patuloy na lumalaki ang mga anak, kahit na hindi nakasama sa kanila ang isang panda expert mula sa China dahil sa pandemya.Nagpahayag siya ng pag-asa na marami pang tao ang darating upang makita ang mga cubs kapag muling binuksan ang zoo.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund