UTSUNOMIYA, Japan (Kyodo) — Isang tigre ang umatake sa tatlong bantay sa isang safari park sa hilaga ng Tokyo noong Miyerkules, kung saan ang isa sa kanila ay nakagat at naputulan ng kamay, sinabi ng pulisya at iba pang source.
Iniimbestigahan ng pulisya kung mayroong anumang mga depekto sa pag-aalaga ng hayop sa Nasu Safari Park sa Tochigi Prefecture, matapos sabihin ng operator nito na nabigo itong kumpirmahin na ang tigre ay nasa loob ba ng kulungan nito noong nakaraang araw.
Sa tatlong bantay, lahat ay nasa 20s, isang pangalawang babae ang nakagat sa ilang bahagi ng kanyang katawan ng 10-anyos na lalaking Bengal na tigre, na humigit-kumulang 2 metro ang haba at tumitimbang ng 150 kilo, sabi ng pulisya. Nasugatan sa likod ng ulo ang ikatlong biktima, isang lalaking bantay.
Ang babaeng keeper na nawalan ng kanang kamay ay dinala ng isang medical helicopter. Dinala rin sa ospital ang dalawa pa.
Nangyari ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga nang sila ay naghahanda para sa araw ng serbisyo.
Ayon sa operator ng parke, wala ang tigre sa nabakuran nitong kulungan gaya ng inaasahan kundi nasa corridor na patungo sa isang exhibition area nang makasalubong nito ang mga bantay at inatake sila.
Sinabi ng isang executive ng parke noong araw na ang isa sa mga bantay ay kailangang pumasok sa isang espasyo kung saan ilalabas ito ng tigre dahil sa mga problema sa bahagi ng mga pinto.
Ang mga hinala ngayon ay nagkaroon ng mismanagement sa pagpapanigurado na nasa enclosed na kulungan ang tigre.
Ayon sa isang manual ng parke, dapat suriin ng mga tagabantay na ang bakod sa kulungan ng tigre ay sarado pagkatapos na maibalik ito sa loob kapag natapos na ang eksibisyon.
Ngunit ang bakod ay hindi nasuri noong Martes, at ang tigre ay nasa koridor kinaumagahan, sabi ng operator.
Kasunod ng insidente, nagpasya ang parke na magsara noong araw na iyon.
Ang parke ay naglalaman ng humigit-kumulang 700 na hayop ng 70 species kabilang ang mga elepante at giraffe, na nag-aalok ng mga bus tour at para sa mga customer na may sariling sasakyan.
Sa parke noong 1997 at 2000, mayroon ding mga insidente na kinasasangkutan ng mga bantay na inaatake ng mga lion.
Join the Conversation