OSAKA — Isang delivery man ng post office sa Osaka Prefecture ang inaresto dahil sa pagtatapon ng humigit-kumulang 7,000 postal item kabilang ang mga COVID-19 vaccine coupon, inihayag ng Kuroyama Police Station ng Osaka Prefectural Police noong Enero 18.
Inaresto ng pulisya ang empleyado ng Mihara Post Office na si Yasuyuki Hara, 20, na nakatira sa lungsod ng Tondabayashi ng Osaka Prefecture, sa hinalang paglabag sa Postal Act.
Inamin umano ni Hara ang mga paratang at nagsabing, “Itinapon ko dahil hindi ko madeliver lahat.” Kabilang sa mga itinapon ay ang mga vaccine coupon ng coronavirus. At dagdag pa nito, may humigit-kumulang 4,000 mail items din ang natagpuan sa bahay ng suspek.
Partikular na inakusahan si Hara ng pagtatapon ng humigit-kumulang 7,000 mail item sa 13 plastic bag sa paligid ng isang kahuyan sa lungsod ng Sakai’s Mihara Ward noong hapon ng Enero 16. Ayon sa istasyon ng pulisya, isang lalaking naglalakad sa lugar ang nakakita kay Hara na nagtatapon ng mga bag at tumawag ng pulis. Isang opisyal na sumugod sa pinangyarihan ang nagkumpirma ng malaking halaga ng mga postcard at mga direct mail item sa mga bag, at tinanong ang suspek.
Ayon sa suspect, “Noong Nobyembre noong nakaraang taon, nagsimula akong mag-uwi ng mga mail item na hindi ko mai-deliver. Ito ang unang pagkakataon na itinapon ko ang mga ito. Hindi ko kaya ideliver lahat.”
(Orihinal na Japanese ni Hitoshi Sonobe, Osaka City News Department)
Join the Conversation