Ang dating Punong Ministro ng Japan na si Kaifu Toshiki ay namatay sa edad na 91. Kilala siya sa pagpapadala ng Self Defense Force ng Japan sa isang misyon sa ibang bansa sa unang pagkakataon.
Nagsilbi si Kaifu sa ilang mga posisyon sa gabinete bago naging punong ministro ng bansa noong 1989. Siya ang unang pinuno ng Japan na ipinanganak sa panahon ng Showa.
Sa panahon ng Gulf War, ang administrasyong Kaifu ay nagbigay ng 13 bilyong dolyar sa mga pwersa ng koalisyon. Pagkatapos ng digmaan, nagpasya ang kanyang pamahalaan na magpadala ng mga minesweeper ng Maritime Self-Defense Force sa Persian Gulf. Ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng misyon sa ibang bansa ang SDF mula nang ito ay maitatag.
Kilala rin si Kaifu sa kanyang trademark na istilo. Madalas siyang magsuot ng necktie na may pattern na polka dot. Nakamit niya ang suporta ng publiko sa kanyang malinis na imahe at pinamunuan ang Liberal Democratic Party sa tagumpay sa halalan noong 1990.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation