Namatay na ang sikat na landmine-sniffing rat ng Cambodia na si Magawa. Ang maliit na bayani ay nagtrabaho sa mga minahan kung saan ginamit niya ang kanyang matinding pang-amoy para makita ang mahigit 100 landmine at iba pang mga pampasabog sa panahon ng kanyang limang taong career.
Si Magawa ay isang African giant pouched rat mula sa Tanzania. Siya ay na-deploy sa Cambodia ng isang internasyonal na non-profit na grupo na nagsasanay ng mga daga at aso upang umamoy ng mga landmine.
Ang lupa ng Cambodia ay puno ng mga landmine,ito ang pinakamarami sa mundo. Ang mga tao ay nabubuhay sa takot na mawalan ng isang paa o maging ang kanilang mga buhay sa pamamagitan ng pagtapak sa mga pasabog na labi ng mga nakaraang tunggalian.
Sinabi ng grupo na ang kontribusyon ni Magawa ay nagpapahintulot sa mga tao na mabuhay, magtrabaho at maglaro nang mas ligtas. Binigyan siya ng prestihiyosong parangal sa hayop na nagpaparangal sa kanyang katapangan at dedikasyon bago magretiro noong 2021.
Si Magawa ay walong taong gulang nang siya ay mamatay. Ngunit ang kanyang legacy ay kinukuha ng hanggang 20 mga kahalili, na masipag sa trabaho sa mga minahan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation