Arestado ang isang truck drayber sa kasong hit and run sa Kamakura

Sinabi ng pulisya na minamaneho ni Haruo Isoda ang kanyang trak nang mabangga niya si Yoshiro Ono sa isang tawiran at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagmamaneho.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KAMAKURA-
Inaresto ng pulisya sa Kamakura, Kanagawa Prefecture, ang isang 73-anyos na lalaki dahil sa hinalang delikadong pagmamaneho na nagresulta nang kamatayan matapos mabangga at mapatay ng minamaneho nitong trak ng basura ang 70 anyos na lalaki.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente bandang alas-6 ng umaga noong Miyerkules, iniulat ng Sankei Shimbun.
Sinabi ng pulisya na minamaneho ni Haruo Isoda ang kanyang trak nang mabangga niya si Yoshiro Ono sa isang tawiran at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagmamaneho.

Dinala si Ono sa ospital kung saan siya ay binawian din ng buhay.

Sinabi ng pulisya na nakita si Isoda malapit sa pinangyarihan ng krimen sa loob ng kanyang sasakyan mga 30 minuto matapos ang hit-and-run. Siya ay sinipi ng pulisya na nagsasabing “Natakot ako at tumakas mula sa pinangyarihan ng insidente.”

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund