Isang company owner na Pilipina, ang anak nito at isa pang kasabwat ang arestado sa pangii-scam na may modus na tinatawag na “support fraud” na nakatangay sa mga biktima ng kabuuang 2000 na lapad.
Ang mga inaresto ay kinilala na isang company owner na si Arai Imelda (52), anak na si Leica (28) at isa pang suspect na hindi nabanggit ang pangalan.
Ang scam, maglalagay sila ng isang pop up screen na kunwari ay napasukan ng virus ang computer ng biktima at mag oofer sila ng support umano para matanggal ang virus at ma-access muli ang computer, tuturuan muna nila ng libre ang costumer ngunit bibigyan nila ng nakakalitong instruction paraan upang madagdagan ulit ng mas matinding virus at ma-deny nang tuluyan ang pag access ng computer ng biktima at para mas lalong mag-panic ito.
Doon na nila ngayon hihiritan ng espesyal na support ngunit ang kapalit ay kailangang magbayad ng 3 lapad, ito na ngayon ang tinaguriang “support fraud” at ito ang unang natukoy sa buong bansa.
Noong 2019, may isang biktima na nakapagreklamo sa pulis kaya’t doon na unti-unting nabuking ang kanilang modus.
Bilang tugon sa interogasyon, itinanggi ng tatlong tao ang mga paratang, ngunit naniniwala ang Metropolitan Police Department na nilinlang nila ang hindi bababa sa 400 katao na halos may kabuuang halaga na 20 milyong yen o higit pa sa loob ng isang taon mula Oktubre 2018.
TBS News
Join the Conversation