20-yrs-old arestado nang napatigil ang train ng di oras dahil nagsisigaw ng “may COVID ako!”

Isang 20-taong-gulang na lalaki, na kalaunan ay nagpositibo sa coronavirus, ang inaresto sa central Japan noong Enero 8 dahil naging dahilan siya ng paghinto ng local train service noong Enero 8 sa pamamagitan ng pagsigaw ng "Mayroon akong COVID! "sa loob ng train. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp20-yrs-old arestado nang napatigil ang train ng di oras dahil nagsisigaw ng

NAGOYA – Isang 20-taong-gulang na lalaki, na kalaunan ay nagpositibo sa coronavirus, ang inaresto sa central Japan noong Enero 8 dahil naging dahilan siya ng paghinto ng local train service noong Enero 8 sa pamamagitan ng pagsigaw ng “Mayroon akong COVID! “sa loob ng train.

Ang suspek na si Haruki Kitajima ay inakusahan ng interruption of operation. Pasado alas-10 ng umaga sumigaw raw siya ng “May COVID ako!” noong may isa pang pasahero na uupo sana malapit sa kanya sa isang rapid train na patungo mula JR Toyohashi Station hanggang Okazaki Station, na naging dahilan upang huminto ang train sa Okazaki Station nang humigit-kumulang 15 minuto.

Ang mga opisyal ng Okazaki Police Station ng Aichi Prefectural Police ay sumugod sa pinangyarihan ng insidente na nakasuot ng protective gear matapos makatanggap ng emergency na tawag. Isinailalim sa PCR test matapos siyang maaresto at nakumpirma na si Kitajima ay mayroon ngang coronavirus.

Iniulat na tinanggihan ni Kitajima ang mga paratang sakanya, ayon sa kanya. Hindi nya alam na may covid pala siya, nasabi niya lang yon kasi ayaw niyang may tumabi sakanya lalo na ngayong tumataas na naman ang kaso ng covid.

(Japanese original ni Seiya Tateyama, Nagoya News Center)

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund