Magde-deploy ang Tokyo Metropolitan Police ng balloon surveillance camera sa darating na Olympics at Paralympics upang mas paigintingin ang seguridad.
Ang balloon surveillance ay paliliparin mula Martes mga 100 metro ang taas sa mga lugar kalapit ng Tokyo Bay kungsaan makikita ang mga cpmpetetion venues. Sinukbukan ng kapulisan ang balloon surveillance noong Lunes sa waterfront area.
Ang lobo ay may halos anim na metro ang lapad, at ayon sa kapulisan ang high performance camera ay makakadetect ng mga kahinahinalang pagkilos ng mga tao.
Ang footage ay mata-transmit sa Tokyo Police Headquarters at gagamitin din ito upang mapag-aralan ang daloy ng trapiko habang idiraos ang palaro.
Ang Olympics at Paralympics ay magaganap sa 43 venues sa Tokyo. Ang lokal na kapulisan , reinforcement officers at private guards ay ipapakalat sa pinakamalaking security operation ng Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation