Pinapalawak ng rescue team ang kanilang paghahanap sa mga survivors sa nakamamatay na mudslides na nangyari sa isang Resort City sa gitnang Japan. At ayon sa Alkalde 80 ang nananatiling “unaccounted for”.
Sinabi ng mga opisyal ng Prepektura ng Shizuoka, inagos ng mudslide ang hindi bababa sa 130 na mga bahay at gusali sa Lungsod ng Atami noong Sabado.
22 katao na na-trap ng dahil sa delubyo ang nailigtas noong weekend kungsaan 3 ang kumpirmadong namatay.
Ayon pa sa mga opisyal nasa 215 katao ang rehistrado na naninirahaan sa lugar. Sa ngayon kanilang kinumpirma ang kinaroroonan ng 135 na mga nakaligtas na residente.
Ikinikwento ng mga residente ang pighati ng mga nkaraang araw.
Isang lalaking resiente ang nagsabi, “Nakarinig ako ng mga sigawan mula sa malayo, pagbukas ko ng pinto, slash na lang ang nakita ko. Parang impyerno!”
Isa pang lalaki ang nagsabi na nawawala ang kanyang ina kung kaya’t susubukn niya itong hanapin sa bahay nito.
Isang sanggol na nakabalot ng kumot ang maingat na pinasa ng mga rescuer sa isang emergency worker.
Ang mag-ina ay nailigtas mula sa isang gusali na nakalibing sa putik ang unang palapag. Hindi naman nakakitaan ng kahit anong pinsala ang magina.
Ang Debris Flow ay kasalukuyang bumara na nagpatigil ng supply ng tubig at kalsada sa lungsod.
Maraming tao ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan.
Sinabi ng isang tagapagsalita ng gobyerno na may mahigit 1,500 na rescuers ang nagsisikap na kumpirmahin ang kaligtasan ng lahat.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation