TOKYO (Kyodo) — ang tinatawag na vaccine passport ng Japan ay pina-plano i-issue upang payagan ang mga taong nabakunahan na ng COVID-19 vaccine na maka-byahe internationally, at ito ay libre lamang, ayon sa top spokesman ng pamahalaan nitong Lunes.
Ipinahayag ni Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato sa isang press conference na simula sa ika-26 ng Hulyo, ang mga taong ay maaari ng mag-aapply ng certificate sa mga munisipyo kung saan sila naka-rehistro matapos nilang mabakunahan.
Ayon sa website ng Foreign Ministry, ito ay mag-lalagay ng listahan ng mga bansa at rehiyon kung saan hindi mag-hihigpit sa quarantine measures para sa mga taong mayroong vaccine passport, ani ni Kato.
Tinatantiya ng Japan na ang kanilang vaccination passport sa tanggapin sa mahigit 10 nasyon kabilang ang mga bansang Italy, France at Greece, ayon sa sources ng pamahalaan.
Sinabi ni Kato, ang mga sertipiko ay free of charge/libre “sa kasalukuyan lamang” maliban sa mga postal fees, at ito ay maaaring mai-issue nang mabilis tulad ng sa mismong araw ng aplikasyon o maaari rin tumagal ng ilang araw.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation